Alam n'yo ba?
Alam n’yo ba na ang “lettuce†na ginagamit sa mga vegetables salad ay miyembro ng sunflower family? Ang mga Amerikano ay kumakain ng 30 libra nito bawat isang tao sa loob ng isang taon. Ang mas matingkad na kulay berde ng lettuce ang mas itinuturing na masustansiya. Naniniwala ang mga tao sa Greek noong unang panahon na ang lettuce ay nakakaantok, kaya naman inihahain nila ito pagkatapos kumain. Pero, binago ito ni Emperor Domitian noong 81-96 A.D. Ipinapakain niya ito sa kanyang mga bisita sa umpisa pa lamang ng handaan. Ito ay upang pahirapan ang kanyang mga bisita at piliting makipagsaya pa sa kanya kahit pa inaantok na ang mga ito. Ang durian naman ay orihinal na nagmula sa Malaysia at Indonesia. Itinuturing itong “King of the fruit†sa buong South East Asia. Tumataas ng hanggang 150 talampakan ang isang puno ng durian. Mapanganib ang tumayo sa ilalim ng isang puno ng durian dahil sa matatalas nitong balat.
- Latest