^

Para Malibang

Be Humble ginulatang El Libertador

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinorpresa ng Be Humble ang pabo­ritong El Libertador para kunin ang 2013 Philracom Chairman’s Cup na pi­naglabanan kahapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Maganda ang kondisyon ng kabayo at mahusay din ang diskarteng ginawa ni Jeff Zarate para manalo ang tambalan ka­hit nalagay sa ikasiyam na puwesto sa kaagahan ng 1,600-metrong karera.

Ito ang unang panalo sa dalawang tak­bo ng tatlong taong colt na anak ng Qua­ker Ridge sa She’s No Princess at nai­pagkaloob ng tambalan sa kanyang con­nections ang P1.2 milyong unang gan­timapala.

Ang El Libertador na tumakbo ka­sama ang coupled entry Cat’s Silver at dating hawak ni Jonathan Hernandez ay naglakad papasok sa huling 50 metro sa 1,600m distansyang karera para makontento lamang sa ikalawang puwesto.

Naorasan ang winning horse ng 1:42.8 sa pinaglabanang distansya at ang panalo ang maglalagay sa kabayo bilang isa sa paborito sa paglarga ng first leg ng Philracom Triple Crown Sta­kes race sa Mayo sa bagong karerahan na Metro Turf Club Inc. sa Malvar, Batangas.

Unang nagpasikat ang Cat’s Silver na ginabayan ni AR Villegas at nakasunod ang Spinning Ridge bago tumutok ang El Libertador na hawak ni Kevin Abobo.

Habang nakikipaglaban ang coupled entries na lahok ni Mandalu­yong City Mayor Benhur Abalos, ay nagpa­init naman sa likod ang Be Humble.

Pagpasok sa kalagitnaan ng karera ay nagsimulang umarangkada ang na­sa­bing kabayo at pagpasok sa huling li­ko ay nasa ikalawang puwesto na.

Nasa labas ang Be Humble nang hu­marurot pa ito para manalo ng kalahating dipang agwat sa meta sa El Li­bertador.

Full gate ang naglaban sa tampok na karerang ito na bukas para sa mga tatlong taong kabayo at ang win ng Be Hum­ble ay nagpasok ng P27.00 dibidendo, habang ang 11-1 forecast ay nag­pamahagi ng halagang P69.00.

Bigo man ay pakonsuwelong P450,000.00 ang napasakamay ng El Li­bertador, habang ang pumangatlo at pu­mang-apat ay ang mga kabayong Five Star at Appointment na nagbitbit ng P250,000.00 at P100,000.00 ayon  sa pagkakasunod.

 

vuukle comment

ANG EL LIBERTADOR

BE HUM

BE HUMBLE

CITY MAYOR BENHUR ABALOS

EL LI

EL LIBERTADOR

FIVE STAR

JEFF ZARATE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with