Jockey Fernandez nailabas ang husay ng Siopaokinghaha para manalo sa 3YO Handicap
MANILA, Philippines - Naipalabas ni jockey Rodeo Fernandez ang baÂngis ng Siopaokinghaha matapos ilampaso ang mga nakalaÂban sa 3YO Handicap Race (1) noong Biyernes sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Ang kabayong nabanggit ay dating dinidiskartehan ni Jessie Guce, ngunit pinalitan ni Fernandez sa karerang ito matapos malagay lamang sa ikalima at ikatlong puwesto ang kabayo sa unang dalawang takbo sa buÂwan ng Marso.
Napabuti naman ang desisyon dahil sa husay ng pagÂdadala ni Fernandez na agad na iniwan ang limang katunggali sa pagbukas ng aparato.
Umagwat pa ng halos sampung dipa ang SiopaoÂkinghaha bago nagbawas ng ayre. Pero sapat ang maagang paglayo para talunin ang Mariz Manpower na liÂmang dipa ang agwat nang tumawid sa meta.
Kuminang din ang isa pang three-year old horse na Don Albertini na dala ni Kevin Abobo nang magbanderang-tapos sa tinakbuhang 3YO Handicap Race 3 na inilagay sa 1,200-metrong distansya.
Hawak ni Abobo ang kabayo mula sa dating hineteng si Val Dilema at tulad ng ginawa sa Fernandez ay inuna rin ang kabayo patungo sa halos sa anim na dipang panalo sa Street Wire sa pangatawanan ang pagiging patok sa nasabing karera.
Ang huling tatlong taong kabayo na nagpasiklab ay ang Huffle Puff nang mangibabaw sa 3YO Maiden 1-2 karera.
Dito nagkaroon ng mahigpitang tagisan at ang naÂnalong kabayo na diniskartehan ni JA Guce ay nangÂgaÂling sa likod.
Ang Fearless Lover at Adamas ang nagbabakbakan sa unahan sa huling 100-metro pero biglang sumulpot sa labas ang Huffle Puff at iniwan ang dalawang daÂting nasa unahan para sa unang opisyal na panalo ito ng kabayo.
Pinangatawanan ng Hot ang pagiging paboÂrito sa class division 6 race nang talunin ang Big Bang. (AT)
- Latest