4 ginto kinuha ng mga pinoy sa pagtatapos ng Asian Youth Boxing C’ships
MANILA, Philippines - Ibinuhos ng apat na pambato ng PiÂlipinas ang lahat ng kanilang makakaÂya upang maiuwi ang mga gintong meÂdalya na pinaglalaban sa pagtatapos kaÂhapon ng 2013 ASBC Asian ConfedeÂration Youth Boxing Championships kaÂÂhapon sa Subic Gym.
Napahirapan man ay nagawan ng paÂraan nina Jade Bornea at James Palicte na maÂkuha ang panalo laban kiÂna Kosei Tanaka ng Japan at Liu Xiao Shuai ng ChiÂna, habang kumbinsidong panalo ang naiuwi nina Ian Clark Bautista at Eumir Felix Marcial laban kiÂna Mirazizbek MurzaÂhaÂlilov ng Uzbekistan at BatÂzorig Otgonjorgal ng Mongolia.
Umiskor si Marcial, ang 2011 World Junior champion, ng isang 29-12 panalo kay Otgonforgal paÂra sa ginto sa light welÂterÂweight division.
Unang sumalang ang World Youth bronze meÂdalist na si Bornea kung saan niya binigo si Tanaka, 15-13, sa light flyweight division.
Sunod na umakyat si Bautista na ipinalakas ang bilis at lakas ng mga suntok para yanigin si MurÂzahalilov, 19-10, sa flyÂweight division.
Isinantabi naman ni PaÂlicte ang katotohanang walong araw lamang siya nagsanay sa national team nang ilusot ang 17-13 panalo kontra kay Liu sa lightÂweight division.
Ang nasabing isang lingÂgong kompetisyon ay nilahukan ng 24 bansa at may ayuda ng MVP Sports Foundation.
- Latest