^

Para Malibang

Boyfriend ko si kamatayan (10)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“HINDI lang ang tunay mong pangalang Lucio ang nahulaan ni Negro Angelo, Lucille, pati nga ang pagpatay kay Congressman Lucas!” kuwento ni Lezzy sa bading na kaibigan.

“Baka naman siya ang pumatay, pinlano ng boyfriend mo kaya alam bago pa man nangyari?” duda ni Lucille.

Napabuntunghininga si Lezzy. “Ewan, naguguluhan na nga ako. May bago na naman siyang sinabi kanina. Limang nursing students daw ang mamamatay sa bandang norte…”

“Oh my gulay! Terrorist na alien ang boyfriend mo, Lez!”

“Hindi raw naman sa baril mamamatay ang lima.”

“Saan daw? Ano daw ang ikamamatay?”

Umiling si Lezzy. “Hindi sinabi. Hindi na rin ako nagtanong. Ayokong tanggaping talagang nakahuhula siya ng mga mamamatay o mapapatay, Lucille.”

“A-ayoko sa kanya. I-break mo na ang Negro Angelong ‘yan habang maaga, Lezzy! Baka kampon ni Tani ‘yan!”

Umiling muli si Lezzy. “I’m sure hindi siya tauhan ni Satanas, particular siya sa moral values. Gusto niya ng mga babae na may moralidad.”

“Talaga?”

“Nanlumo siya na kami ay nag-sex agad sa ikalawang pagkikita namin. Bawal daw iyon, mortal sin.”

Umirap ang bading. “Abah, makaluma si manong!”

May naalala pa si Lezzy na sabi ng boyfriend. “Lucille, may na-mention pala siya tungkol sa iyo?”

“Ano na naman? Hay, naku, huwag na huwag niyang ibubulgar na dalawa ang aking pusod! Hindi ko na siya mapapatawad!”

“Magbait ka na rπaw.”

Natigilan ang bading. Kinabahan.

“B-bakit daw ako dapat nang magbait?”

“Hindi niya sinabi, iniba ang topic, Lucille.”

Matagal ding sumalit sa magkaibigan ang katahimikan. Hinihimay sa mga isipan kung ano talaga si Negro Angelo. (ITUTULOY)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

ABAH

ANO

CONGRESSMAN LUCAS

NEGRO ANGELO

NEGRO ANGELONG

SIYA

UMILING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with