‘Thrush’ (1)
May mga pro lema na nakukuha sa pakikipag-sex ngunit mayroon ding hindi nakukuha sa pakikipag-sex tulad ng thrush. Ang thrush ay sanhi ng yeast na tinatawag na candida albicans. Hindi lang babae ang nakakaroon nito kundi pati na rin ang mga lalaki. Ang candida ay nagiging sanhi ng pangangati, pamumula at pamamaga sa genital area. Laging may candida sa genital area ang mga babae at may mga lalaki na mayroon din nito palagi sa kanilang penis area. Ayon sa embarassing problems.com, dahil maymaliit o kaunting candid fungus na tayo, depende ito sa rami kung magiging sanhi ito ng problema. Ang candida ay nabubuhay sa mainit at mamasa-masang balat at sa balat na may kaunting damage. Nabubuhay din ito sa mataas na sugar sa taong may diabetes. Kaya kung ang balat as genitals ay my irritation na o kung hindi nag-iingat sa pagpupunas pagkatapos maligo o maghugas o kung may diabetes na posibleng hindi mo pa alam, malaki ang posibilidad na dadami ang candida. Kapag dumami ito at saka pa lamang mapapansin ang mga sintomas. (Itutuloy)
- Latest