Boyfriend ko si kamatayan (3)
“HINDI ako magagalit kahit tawagin mo akong Negro, Lezzy. Because that is my real name,†mahinahong sabi ni Negro Angelo.
“No, mas gusto kong tawagin kang NA. Mas cute iyon, promise.†Ngumiti si Lezzy, super-cute.
“Lagi ka bang nagpupunta sa coffee shop?â€
“No, actually sinundan kita. Pareho tayo ng tinitirhang condo building. Natipuhan kita, gusto kitang makilala, gano’n.â€
“Napa-flatter naman ako.â€
“NA, titiyakin ko lang, ha? Single ka pa?â€
“Oo, forever single.â€
Napataas ang kilay ni Lezzy. “Forever? Para namang napakatagal mo nang single, e hula ko’y magka-age lang tayo.â€
“No, ako’y…super-super tanda na.â€
“NA, ikaw ay wala pang 24, natitiyak ko. marunong akong tumantiya ng edad ng tao. Ang super-super tanda ay ‘yung 80s and 90s or more.â€
Ngumiti si NA o Negro Angelo. “Ikaw ang bahala. Sinabi mong 24 ako, e di hindi ako tututol.â€
“What is your exact age ba?â€
Pinakiramdaman ni NA ang dalaga. “Lezzy, baka matumba ka sa sagot ko. Hindi ako 24.â€
“No, hindi ako basta nasa-shock. Alam ko kung ako’y niloloko or hindi. Kung truthful or liar ang kausap ko.â€
Tinitigan si Lezzy ng binata. “Ako ba sa palagay mo ay sinungaling?â€
“Ikaw sa palagay ko ay…napakamisteryoso.â€
Nasamid si NA. “Uhuurrm.â€
“Tell me your exact age, NA.â€
“Kilala mo sina Eba at Adan, sa Old Testament?â€
“Oo naman. Bakit?â€
“Inabutan ko sila sa mundo.â€
“Excuse me?â€
“Lezzy, ganoon ako katanda,†seryosong sabi ni Negro Angelo. (ITUTULOY)
- Latest