Ano ang maitutulong ng doktor
May mag taong may problemang enuresis o ang pag-ihi sa kama sa gabi kapag tulog at talaga namang nakakahiya ito.
Natalakay na natin ang mga bagay na puwedeng gawin ukol sa problemang ito ayon sa embarassingproblems.com.
Una ay hindi dapat ma-guilty o sisihin ang sarili sa problemang ito.
Bawasan ang alcohol at pag-inom ng kape sa gabi. Mag-alarm ng mas maaga kaysa sa iyong nakasanayang oras ng paggising at umihi. Subukang matulog sa ibang kama lumipat sa ibang kuwarto o kahit iurong lang ang kama. Subukang komunsulta sa doctor.
Talakayin naman natin ngayon kung ano ang maitutulong ng doctor sa problemang ito.
Maaaring masuri ng doctor kung may serÂyosong problema o wala.
Tatanungin ng doctor kung ang pag-ihi sa kama ay simula pa noong bata ka pa o kung ngayon lang nagsiÂmula ang enuresis. Magsagawa ng simpleng urine tests para sa infection at para sa diabetes. Maaari ring suriin din kung may problema sa pantog.
Maaaring magbigay ang mga doctor ng gamot sa problema sa enuresis.
Susunod nating tataÂlakayin ang sanhi ni enuresis.
- Latest