Mga unang palatandaan ng seizures
Last part
Visual disturbance. Sinasabing ang pag-blurr ng paningin o pagkakakita sa liwanag na sa reyalidad ay wala naman sa paligid ay ang pinaka-karaniwang babala. Maaari rin daw na makarinig ng kakaibang tunog o dumanas ng kakaibang pagbabago ng temperatura sa kanyang katawan ang pasyenteng may seizures. Bukod pa rito ay ang pagkakaroon ng obserbasyon na magkakaroon ng kakaibang amoy o panlasa ang bibig ng pasyente.
Kakaibang pakiramdam. Ang kakaibang pakiramdam na tinutukoy dito ay ang pakiwari na parang may kulang sa iyong sarili. Maaari rin umano na nagkakaroon ng kalituhan o biglang napapatulala na lang ang pasyente, na maaaring kaugnay sa pagde-day dreaming o kabiguang magtuon ng sapat na atensiyon sa iyong paligid. Ayon sa mga expert, maaaring ilang oras o ilang araw ang tinatayang agwat ng palatandaang ito bago ang aktuwal na pag-atake o seizures.
Prodromal signs. Ito ang yugto kung saan maoobserbahan ang mga palatandaan sa mismong panahon ng pag-atake. Kabilang sa tinutukoy na sintomas dito ay ang pagdanas ng depression. Sinasabing maaaring nakakaramdam ng kawalan ng pag-asa ang pasyente o.
Pagbi-build up sa unang pag-atake. Unti-unting nangyayari ang sintomas na ito. Sa paliwanag ng mga expert, karaniwang umaabot ng ilang buwan ang pagbi-build up bago maranasan ng isang posible epileptic patient ang unang bugso ng pag-atake. Kasunod nito ang manipestasyon ng iba pang mga palatandaan sa loob ng ilang taon.
- Latest