From Kuala Lumpur with love (10)
“JESUS, pati ba naman dito sa monorail ay weird ang mga tao? Look at them, Geraldine, nakatanga na naman sa atin,†reklamo ni Jayson.
“Relax. Di ba ikaw na rin ang nagsabing huwag silang pansinin?â€
“Iyon din naman ang sabi mo sa akin—ignore them.â€
“So no problem, Jayson.â€
“Oo, kaya lang para bang alien tayo from outer space. Curious na curious sila na parang naiilang sa atin.â€
“Bumaba na muna tayo sa next station,†sabi ni Geraldine.
“Okay.†Ang alam ni Jayson, sa bababaan nilang istasyon ay walking distance ang pamosong landmark ng Kuala Lumpur—ang Petronas Twin Towers.Yayayain niya doon si Geraldine. Magkukuhanan sila ng pictures para may souvenir.
Para namang nabasa ni Geraldine ang isip niya. Ito mismo ang nagyaya sa nais niyang puntahan.
“Diretso lang sa main road at naroon na tayo sa Twin Towers. Maa-amaze ka sa taas at sa architectural design ng kambal na building.â€
Na-amaze nga si Jayson. Para pala makunan mula ibaba hanggang tuktok ang magkatulad-magkatabing gusali, kailangang halos nakahiga na sa ground ang kukuha ng larawan.
Unang humiga si Jayson para makunan si GeÂraldine na background ang buong dalawang buildings.
“Yes, ang ganda ng kuha ko sa iyo,†pagmamalaki ni Jayson sa dalaga habang bumabangon, tapos nang kumuha.
Tuwang-tuwa naman ang dalaga. “Wow! Full shot ako pati ang Twin Towers! Pang-award ang kuha mong ‘to, Jayson!â€
“Nakatsamba! Ha-ha-haa.â€
“Ikaw naman ang kukunan ko.†Kinuha ni Geraldine ang digital camera ni Jayson.
Napalunok ang binata. “H-hihiga ka rin…?â€
“Oo naman.â€
“B-baka kuwan…masilipan ka?â€
“Hindi. Walang puwedeng manilip sa akin.â€
Mali si Geraldine. Nang mahiga itong hawak ang camera, nasilayan ni Jayson ang mapuputing hita ng dalaga.
Napalunok ang binata, inalis agad ang mga mata sa pagsulyap sa makasalanang tanawin. (ITUTULOY)
- Latest