From Kuala Lumpur with love (9)
UMALIS na ang young miss na pumuna kay Jayson. Napapailing ang binata, itinuring na lang na ang kabayang teenager at mga foreigners na nagtitinginan ay may kabaliwan.
“Huwag na lang nating pansinin, Geraldine. Normal naman ‘tong pag-akbay ko sa iyo, ano’ng problema nila?â€
Ngumiti lang sa kanya si Geraldine. Hindi nag-comment.
Nagtuloy sila sa monorail ng Kuala Lumpur. Maikli ito kumpara sa MRT at LRT ng Manila. At dahil monorail, sa panggitnang riles na iisa lamang ito tumatakbo—hindi tulad sa Manila na dalawang riles ang tinatakbuhan ng mga coaches.
Enjoy naman sa monorail sina Jayson at Geraldine, patuloy na nagkukuwentuhan habang sakay ng mass transit.
“Sa pagmamadali ko, naiwan ko sa ‘Pinas ang bagong bili kong sunglasses,†kuwento ni Jayson.
“Bumili ka na lang sa mall, sa mga stalls para medyo mura.â€
“No way, Geraldine. Ayokong gumasta ng unnecessary cash. Mataas din ang value ng ringgits kumpara sa piso natin.â€
Napangiti si Geraldine. “Kuripot.â€
“Ang mga kuripot ang nagiging milyonaryo.â€
Nakita ni Jayson, napalunok ang dalaga, bumaÂlatay na naman sa mukha ang kalungkutan.
“Geraldine, m-may nasabi ba akong masama?â€
Umiling ito. “Wala. Naisip ko lang na ako’y hindi na yayaman. Hindi ko na maiaahon sa hirap ang pamilya ko sa Pilipinas.â€
Parang kinurot ang puso ng binata. “B-bakit naman mawawalan ka na ng pag-asa? Batambata ka pa at maganda, Geraldine. Kaya mo pang i-conquer ang mundo para ka yumaman.â€
Umiling ang dalaga, napaluha na naman. “Hindi mo kasi alam ang pinagdadaanan ko, Jayson.â€
“Kasi’y ayaw mo namang sabihin. I’m sure kaya kitang tulungan.â€
Hinagkan siya sa pisngi ni Geraldine. May kasamang pagsuyo.
Pleasantly surprised si Jayson. Pinisil ang kamay ng katabing dalaga.
Humilig ito sa kanyang balikat. Para na naman silang lovers na puno ng pagmamahal.
Pero bakit nakatanga sa kanila ang mga kasakay? (ITUTULOY)
- Latest
- Trending