From Kuala Lumpur with love (2)
NAGKA-CRUSH agad si Jayson sa magandang babaing napansin na lang niyang nasa unahang upuan niya, noong palapag na ang eroplano.
“Magandang Pinay, dapat kaming magkakilala,†naisaloob ni Jayson, sa isip lamang.
Nang tuluyan nang lumapag sa international airport ng Kuala Lumpur, nagsimula nang magbabaan ang mga pasahero.
Sadyang nagpapahuli si Jayson sa pagbaba, pinauuna sa pila ang magandang babaing crush, gustung-gusto niyang pagmasdan ito.
Pero nagtaka siya. “Bakit kaya ayaw pang tumayo? Wala yatang planong bumaba agad?â€
Napatingin ito sa kanya, ngumiti.
“Hi, miss. After you,†magalang na sabi dito ni Jayson.
“No, mauna ka na. I’m taking my time,†sagot ng babae.
“Okay.†Gumanting ngiti dito si Jayson, napilitang sumama sa pila ng nagsisibaba. Sa lapag na lang niya aabangan ang bagong crush.
Hindi muna nagtuloy sa arrival area si Jayson. Tanaw niya ang nagsisibaba, hinintay nga niyang lumabas ang magandang babae.
Nakadama siya ng pagkainip at pagtataka. Bakit napakatagal naman yata bago makalabas ng eroplano ang babaing ‘yon?
“Imposible namang nakalingat na naman ako, gaya ng nangyari n’ung nasa eroplano pa ako…â€
Mga Pilipino ang flight crew ng sinakyan niÂyang eroplano, panatag siyang lumapit at nagÂtanong kung meron pang pasaherong hindi nakalalabas.
“Wala na po, sir. Naka-disembark na pong lahat.â€
Taka si Jayson. “Are you sure?â€
“Yes, sir. Kasama po ba ninyo…?â€
Akala’y companion niya ang kanyang hinihintay. Ngumiti na lang si Jayson, nagpaalam na.
Takang-taka na naman ang binata. “What happened to me? Dalawang beses na akong napaglalaruan ng mata ko.â€
Baka naman abutan pa niya ang babae, sa linya ng foreign arriÂvals, naisip ni Jayson.
Binilisan niya ang lakad, hila ang hand-carried luggage.
Dalawang beses niyang hinanap ito sa pila ng Immigration.
Anino man ng maÂÂgandang babae ay hindi niya nakita. (ITUTULOY)
- Latest