Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba noong unang panahon, naniniwala ang mga Greeks na ang puso ang siyang trono ng espiritu? Iniuugnay naman ng mga Chinese ang puso na siyang sentro ng kasiyahan ng tao habang sa mga Egyptians, ang katalinuhan at emosyon ay sumisibol naman mula rin sa puso. Ang Anciet Greek din ang orihinal na lahi na nag-ugnay sa puso para sa pag-ibig. Ang “City of Cyrene†na ngayon ay ang bansang Libya ay kilala dahil sa kanilang pambihirang halaman na “Silphiumâ€. Hugis puso ang halamang ito at ginagamit na herbal medicine bilang “contraceptiveâ€. Ang isang baso ng red wine ay may mabuting naidudulot sa puso. Ayon sa mga siyentipiko, ang balat ng ubas ay nagtataglay ng antioxidants. Subalit ang white wine ay wala naman umanong gaanong mabuting naidudulot sa puso. Pero, anuman ang iyong inumin, red o white wine man. Just follow your heart!
- Latest