Testicle problems
Minsan, may mga lalaking nagkakaroon ng problema sa testicles. Minsan ay nagkakaroÂon ng umbok o bukol, pamamaga, pananakit o
naÂÂwaÂwalang testicle. Dahil dito, makabubuting eksaminin ng regular ang testicle para maging
pamilyar dito at makita agad kung mayroon mang pagbabago, ayon kay Dr. Margaret Stearn ng embarassingproblems.com. Ang testicles ang gumagawa ng sperm.Ito ay oval shape, at karaniwang 4–5 cm ang haba, 3 cm ang lapad at 2 cm kakapal. Kadalasan, ang isang testicle ay mas malaki kaysa sa isa. Ang epididymis (tingnan sa larawan) ay parang hugis ng sausage-sa
likod at taas ng bawat testicle. Sa katunayan, ito ay maliliit na tubes na naglalaman ng sperm. Kung babanatin ito, ito ay aabot ng 6-metro. Ang spermatic cords ay pataas sa epididymis. Dinadala nito ang sperm
papuntang penis, at mayroon itong blood vessels.
Ang scrotum ay ang balat na bumabaÂlot sa testicles at epididymis.
Narito ang paÂraan ng pag-e-eksaminin ng testicles.
Ang pinakamagandang oras para eksaminin ang testicle ay pagkatapos maligo kapag ang balat ng scrotum ay naka-relax.
Suportahan ang scrotum at testicle sa palad para maramdaman ang bigat nito. Ang isang testicle ay bahagyang mas malaki kaysa sa isa pero halos magkapareho lang ang bigat nito. Hawakan ang testicle. Ilagay ang hinlalaki sa taas at ang ibang daliri
sa ilalim. Paikutin ng dahan-dahan ang testicles para makapa kung may umbok o bukol. Ang normal testicle ay hugis oval, medyo matigas ito ngunit hindi sintigas ng bato, makinis at walang umbok o bukol. Kapain ang epididymis, ang hugis sausage na umbok sa taas at likod ng bawat testicle. Medyo malambot ito. Kapain ang spermatic cords na nasa paitaas ng epididymis at likod ng
testicles. Ito ay firm at malambot na tubes. Gawin ito sa kabilang testicle. Tatalakayin natin sa susunod ang mga maaaring maramdaman sa testicle.
- Latest