‘Sinner or saint? (16)’
ANG KLARO, patay ang matandang pulubi, binaril ng kung sino. Kung malulutas ang kaso ay isa pang malaking tanong.
Ang bumaril, si Generoso, ay nakalayo na sa lugar ng krimen. Nadisposed na rin niya ang elephant gun na ginamit sa pagpatay.
“Nabigyan ko na po ng kapayapaan ang Iyong nagdurusang nilikha, mahal na Diyos. Tanggapin Mo po sa Iyong kaharian ang sawimpalad na matandang pulubi.†Nag-ukol pa ng mataimtim na dasal ang Berdugong Maawain, parang santo sa kabaitan.
Kaydali niyang nakapunta sa dulo ng bansa. May tatlong araw pa bago ang takdang paglipad nila ni Corazon sa kanilang European tour; kung isasabay ang honeymoon ay hindi pa alam ni Generoso.
Alam kasi ng lalaking ito na si Corazon ay wala sa tamang kalusugan para makipagtalik. Sila siguro ang tanging mag-asawa sa buong mundo na hindi una sa agenda ang pulot-gata.
Nagpakasal si Corazon kay Generoso hindi dahil sa pag-ibig kundi dahil sa katuparan ng pangaÂrap na makarating sa iba’t ibang bansa—bago tuluyang mamatay sa kanser.
Si Generoso, on the other hand, ay hindi naman tunay na in love kay Corazon. Siya ay mas higit na naaawa kay Corazon kaysa umibig dito.
Nais niya, actually, na mabigyan ng magandang kamatayan si Corazon, bago pa man ito pahirapan nang todo-todo ng walang lunas na sakit.
Kung gayo’y hindi nila uunahin ang sex.
NAKARATING sa Paris at sa Lourdes at sa California ang bagong mag-asawa. Nagdasal nang buong puso si Corazon sa imahe ng Mahal na Birhen sa grotto sa Lourdes.
Sa hotel room ay asiwa si Corazon sa presenÂcia ni Generoso. “Maliligo ako, magbibihis pagkatapos. Paano ko ba sasabihing hindi ko yata magagawang magpakita ng hubad na katawan. Ikinalulungkot ko ito nang labis, Generoso. This is so unfair with you.â€
Nagkibit-balikat si Generoso. “Corazon, huwag mo akong intindihin. Ang hindi ko mate-take ay kung babawiin ka na sa akin ng Diyos.â€
“Dakila kang husband ko, kasimbait ka ng mga santo.â€
Hindi maisatinig ni Generoso ang laman ng isipan. “But I must kill you, Corazon. Tutal ay wala nang pag-asang gumaling ka. Pahihirapan ka lang ng kanser mo…†(ITUTULOY)
- Latest