^

Para Malibang

Para kay ate ngayong V-day

Pang-masa

Sumapit na ang Pebrero at ang panahong ito ay kilalang buwan ng mga puso. Maraming mag-asawa o mag-partner ang nag-iisip kung anong magandang regalo maaaring ibigay sa kanila. Narito ang ilang paraan na tiyak na magugustuhan niya:

Isang masarap na pagtulog – Isa sa mga problema ng mga babae ay ang hindi pagkakaroon ng  masarap na pagtulog kaya ang resulta ay isang malaking eye bag sa mata. Kung mabibigyan mo nito si ate, tiyak na magiging masaya siya ngayong Valentine’s day.

‘Back massage’ – Ang paglalaba at pagdadala ng mga bags ng groceries ay talaga naman masakit sa balikat. Bukod pa ang pagbibitbit ng bag ng mga bata. Kaya pagdating ng gabi, bakit hindi mo siya bigyan ng isang “hot massage” sa kanyang likuran para maibsan ang maghapong pagod.

Ipagluto siya – Sa buong taon, si ate ang nagluluto para sa buong pamilya. Bakit hindi mo siya ipagluto ngayong V-day!

Day-off sa hugasan – Masarap sa pakiramdam minsan ng mga babae na makitang kinukuha ng kanilang esposo ang kanilang trabaho para sila ay makapagpahinga man lang. Kaya sa V-day, huwag lang pagluluto ang gawin mo, maghugas ka din ng plato.

Maglakad – Minsan, mas masarap ang maglakad-lakad lalo na kung nasa isang lugar kayo na tahimik at walang polusyon gaya ng tabing dagat o park. May pagkakataon pa nga na mas mabuti ito kaysa sa  pagde-date sa isang mamahaling restaurant. Dahil mas masarap mag-usap sa isang preskong kapaligiran.

vuukle comment

BAKIT

BUKOD

DAHIL

IPAGLUTO

ISA

ISANG

KAYA

MAGLAKAD

MARAMING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with