^

Para Malibang

Nakakairitang ugali ng mga lalaki

Pang-masa

Hindi maiwasan ng babae at lalaki ang magkainisan sa maraming bagay at tila ito ay walang katapusan.  Kung may posibilidad lang na burahin nila kapwa ang isa’t isa sa  balat ng lupa, maaaring gawin nila ito dahil sa pagkairita. Narito ang ilang bagay na palaging pinag-aawayan ng babae at lalaki:

Kakulangan sa kalinisan – Aminin man ng mga lalaki o hindi, kulang sila sa kalinisan. Mas nais nilang mabuhay  sa nais nilang paraan. Sa kanila, kung maaari ay “disposable” lahat at ang hindi nila paliligo sa araw-araw ay tila utang na loob  pa sa kanila ng mga taong nakapaligid sa kanila.  Ang mga ugaling ito ang  kinasusuklaman ng mga babae.

Dominante -  Bukod sa  nakakapandi­ring  pagiging madumi ng mga lalaki sa kanilang paligid at sarili, hindi rin mapapalampas ng mga babae  sa kanilang mapanuring mata ang pagiging dominante ng lahi ni Adan. Naniniwala ang mga lalaki na  sila ay tila regalo ng Maykapal sa mga mahihinang mga babae para tulungan ang mga ito sa mga bagay na mahirap para sa kanila. Ang pagiging “superior” ng mga lalaki ang siyang isinusumpa naman ng mga babae.

Ego – Kung mayroong makukuhang perpektong  partner  ang mga lalaki, ito ay ang kanilang ego.  Ang pakikipaghiwalay ng lalaki sa kanyang ego ay tila isang pagpapakamatay para sa kanila. Sa totoo lang, ang nakikitang katigasan sa mga lalaki ay isang palamuti lamang nila para maitago ang anumang insecurity na mayroon sila.

ADAN

AMININ

BABAE

BUKOD

KAKULANGAN

LALAKI

MAYKAPAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with