Takot na puso
Dear Vanezza,
I’m Marissa, 28, single. Nag-break po kami ng aÂking boyfriend last 6 months ago. Matapos po ang aming break-up ay hindi na kami nagkita at nakapag-usap. Bigla na lang akong nagulat isang araw ng siya ay tumawag sa akin at nangangamusta, tinatanong niya ako kung mayroon na daw ba akong bagong boyfriend at ipinaalam ko naman sa kanya na wala pa. Simula noon ay madalas na siyang tumawag sa akin sa opisina at muling nabuksan ang aming komunikasyon. Masaya ako sa tuwing kami ay nagkakausap sa telepono, ngunit may bahagi din ng isip ko na natatakot na muling mapalapit sa kanya. Tila kasi nagka-trauma na ako sa ilang ulit na on and off ng aÂming relasyon, pero ang huling break-up na ito ang pinakasamakit dahil may sangkot na third party. Pinilit ko siyang kalimutan matapos ang break-up namin at ngayong ako ay medyo nakaka-move-on na ay muli siyang dumating at heto, nagugulo na naman ang aking isip. May mga bagay din siyang ginawa sa aming relasyon na hindi ko matanggap at pilit kong kinakalimutan para muli ko siyang matanggap kahit man lang bilang kaibigan. Dapat ko bang muling hayaan ang sarili ko na maging malapit sa kanya? Sa ngayon ay hindi ko maipapangako sa aking sarili na hindi ko na siya muling mamahalin dahil aminado naman akong hanggang ngayon ay may damdamin pa rin ako sa kanya. Natitiyak kong ipagtatatwa ako ng aking puso.
Dear Marissa,
Sa mga ginagawa ng iyong ex-bf, tila nagpapahiwatig siya na nais niyang muling bumalik sa pakikipagrelasyon sa’yo. Ngunit huwag kang pakakaasa, dahil posible din na nagiging “friendly†siya sa’yo. Kung sa tingin mo ay mahal pa ninyo ang isa’t isa at may haharapin pa kayong magandang future bakit hindi mo bigyan ng chance ang isang bagong relasyon kasama siya? Maging tapat sa kanya at sabihin sa kanya lahat ng iyong mga alalahanin sa tamang oras na siya ay muling magtatapat sa’yo ng kanyang pag-ibig.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest