‘Sinner or Saint? (10)’
NANG sumapit muli ang gabi, si Generoso ay nagising sa mahimbing na pagtulog. Iginala niya sa silid ang mga mata, inasahan nang may makikita na naman.
May nakita nga at tama ang kanyang hula kung ano.
Ang asong gala na habang tinuturukan niya noon ng lason ay titig na titig sa kanya, parang ayaw pang mamatay.
Hindi malaman ni Generoso kung ang asong nasa paanan ng kama ay galit o hindi. Hindi ito umuungol, nakatitig lang sa kanya—parang may hinanakit, tumututol sa pagpatay niya rito.
“Dapat pa nga pasalamat ka sa akin,†sabi ni Generoso, inunahan ng sumbat ang hayop. “Iniligtas kita sa mala-impiyernong paghihirap ng katawan. Puro ka galis, buto’t balat, mabaho, papilay-pilay na kung maglakad…Wala ka nang business na manatili sa mundo.â€
Parang narinig niya ang sagot ng hayop. “Hindi ka Diyos, Generoso. Gusto ko pang magkita kami ng asawa kong aso, bakit pinatay mo ako?â€
Ipinilig-pilig ni Generoso ang ulo, tiniyak na hindi siya nananaginip.
Gising siya. Gising na gising.
Gayunma’y hindi natakot. “Wala ka nang magagawa. Malay ko bang pati aso e may partikular na asawa? Di ba kayo’y puwede kung kanikaninong aso? Huwag mo nga akong ululin.â€
Ewan kung guniguni, narinig ni Generoso ang galit na ungol ng asong kausap. “Growwlll.â€
Napaurong ang Berdugong Maawain.
Nagalit nang husto. “Tarantado kang aso ka! Gusto mong maging kalderetang aw-aww?â€
“Kaw-kaw-kaww,†sagot ng aso, parang mangangagat.
Biglang napabangon si Generoso, ramdam niya’y kakagatin siya ng asong itim.
Lumabas siya ng silid, mabilis. May holy water siya sa altar, kinuha agad iyon.
Saka mabilis ding binalikan ang aso, matapang na. “Tingnan natin ang galing mo, Blackie!â€
Wala na ang aso, natiyak ni Generoso. “Natakot sa holy water!â€
Iwinisik niya sa buong silid ang agua bendita. (ITUTULOY)
- Latest