NAKAUNAWA naman sa nars si Generoso. Kung nasabi man nito kanina na ‘sana sa ibang shift na lang mamatay’ si Nanang, ito ay dala lang ng takot na masabihang malas na nars.
“Di ba ho, ser, grabe kapag tinawag na akong Nars Kamatayan?â€
“Oo, naiintindihan na kita, nars.â€
“Bale pang-apat na pong namatay sa duty ko si Lola. Kung kailan pa naman na-regular na ako last month.â€
“Nagkataon lang ‘yon,†may simpatiyang sabi ni Generoso. Napansing maganda ang nars, kaedad niya siguro-- mid-twenties.
“Ako pala si GeÂneroso. Ikaw?â€
“Corazon, ser.â€
“Aba, maganda pala tayong kumbinasyon! Generoso Corazon—generous heart!â€
“Gano’n ba ‘yon?†Napangiti si Corazon.
INAYOS ang bangkay ng matandang babae. Atake sa puso daw ang direktang ikinamatay, ayon sa doktor. Walang naghinalang may pumatay sa pasyenteng may taning na ang buhay.
Si Generoso, gaya sa bangkay ni Mang Juan, ang nag-asikaso sa burol ng matandang babae.
Kinausap niya sa sarili ang bangkay na nasa kabaong. “Nanang, payapa na po kayo. Wala nang kirot at sakit na nararamdaman. I’m sure ho na mas gusto n’yo na ‘yan…â€
Nagbilin pa kay Nanang. “Kung puwede po, balitaan n’yo ako ng happening sa pupuntahan ninyo. Para naman magkaideya ako ng buhay-buhay diyan sa Kabila.â€.
Halos magkatabi sa public cemetery ang dalawang matandang pinatay ni Generoso nang lihim.
Naalala niya si Nars Corazon. Nakadama siya ng tibok ng pusong umiibig. “I like her. Parang siya ang inilaan sa akin ng Langit.â€
One of these days, papasyalan niya sa ospital si Nars Corazon. Ito ang pangako ni Generoso sa sarili.
Nang sumapit ang ikatlong gabi matapos iliÂbing si Nanang, hindi na nagulat si Generoso sa nakita sa dilim—sa silid niya.
Si Nanang, nakangiti, alam ni Generoso na nagpapasalamat.
“Nanang, ‘yung hiling ko huwag kalimutan. Balitaan mo ako ng scenario sa kinaroroonan mo. Kahit sa panaginip man lang.†(ITUTULOY)