‘Sinner or saint (7)’
“DALIAN mo, binata,†bulong-utos ng maÂtandang babae, nakapikit, takot sa injection ni Generoso.
“Heto na po, naÂnang.†Itinurok na ni Generoso ang heringgilya, mabilis pero sakto.
“Wala akong kinalaman sa pagpatay mo sa akin, binata. Pinatay mo ako, hindi ako nagpaÂkamatay…â€
“Opo, opo.†Nahugot na ni Generoso ang maliit na karayom, pasimple pa rin ang ginawang krimen, tiniyak na walang nakapansin.
Naibulsa niya agad ang heringgilya, tinungo na ang pinto bago pa nagbalik ang nurse.
Inorasan niya ang maÂtanda, nakamasid muÂla sa labas ng ward.
Nakapikit ang naÂnang, habol na ang hininga.
Kinabahan si Generoso. Baka magsisigaw ang matanda, baka magsumbong bago mamatay.
Itinapon agad ni Generoso sa trash can ang heringÂgilya. Nagpalipas siya ng limang minuto saka nagbalik sa ward ng matandang babae.
Nakita niyang pilit nire-revive ng nurse ang pasyente. Lumapit siya.
“Nanang, huwag muna ho! Sa ibang shift na lang ho kung maaari!â€
Napailing si Generoso, narinig ang sabi ng nurse. Gusto niyang murahin ito sa pagiging insensitive; mas nais na protektahan ang sariling kapakanan kaysa sa pasyente.
“Ano’ng nagyayari, nurse?†tanong ni Generoso.
“Naghihingalo si Lola, ser! Biglang-bigla ho!â€
“Bakit nagkagano’n? Iniwan ko lang siya sandali!â€
“Ser, may taning na si Lola…n-ngayon na pala!â€
Kahit dumating ang duktor ay hindi na na-revive ang matanda. Inakalang kinuha na talaga ng langit ang pasyente.
Lihim na nakahinga nang maluwag si GeneÂroso. Napilit niyang lumuha ang sarili.
“Ser, nagpapahinga na ho si Lola. Mabuti na ho iyon kaysa naghihirap siya,†sabi ng nurse, nakikiramay.
“Bakit sabi mo kanina, sana’y sa ibang shift na mamatay si Nanang?†Nanita si Generoso.
“Ser, bago lang ho ako dito pero tatlo na ang namatay sa shift ko. Baka ho tawagin na akong Nars Kamatayan.†(ITUTULOY)
- Latest