Special concerns sa iyong diet (1)
Saturated fat at cholesterol
Ang mga pagkain na mataas ang saturated fats, trans fats at cholesterol ay nakakapagpataas ng cholesterol level sa dugo. Dapat limitahan ang ganitong uri ng pagkain sa iyong diet. Kinabibilanbgan naman ng baked goods, gaya ng crackers at cookies, mga gawa sa shortenings ang mga pagkain na mataas ang trans fat. Matataas naman ang cholesterol ng atay at iba pang organ meats, egg yolks at dairy foods.
Calcium
Ayon sa mga health care expert, ang calcium requirements ay naka-depende sa edad, kasarian at heath status ng isang tao. Subukan kumain ng kahit dalawa o tatlong servings ng low-fat dairy products araw-araw. Kung hindi mo naman type ang dairy products, subukan ang processed foods na fortified with calcium, gaya ng orange juice at breakfast cereals.
Salt at Sodium
Maraming tao ang kumukonsumo ng sobrang alat sa kanilang diet. Limitahan ito, sa pamamagitan ng limitadong paggamit ng asin sa pagluluto. Sa halip ay gumamit ng herbs at iba pang spices para sa flavor ng inyong pagkain. Limitahan din ang pagkonsumo ng fats, convenience at canned foods para manatiÂling kontrolado ang sodium level sa inyong katawan. (Itutuloy)
- Latest
- Trending