^

Para Malibang

‘Sinner or saint (2)’

TALES FROM THE OTHER SIDE -

“T-TALAGA, Generoso, sa araw na ‘to matatapos a-ang paghihirap ko? I-ibig mong sabihin…m-mamamatay na rin ako s-sa wakas?” tanong ng 90-year old na pinahihirapan ng kanser.

Tumango si Generoso, hawak ang kamay ng pasyente. “Iyon po ang hiling ninyo—di ba, Mang Juan?”

“Oo, Generoso…oo. Gusto ko nang makabalik sa Diyos.”

Ulilang pasyente si Mang Juan, wala nang dumadalaw, wala nang nakakaalala. Buto’t balat na. Bilang na ang araw.

“Mas matamis ang mamatay, di po ba?”

“Tama ka, Generoso.”

Binulungan ni Generoso ang matanda. “Paalam na ho…”

Palihim na naturukan ni Generoso ng lason si Mang Juan. May background sa nursing ang mayamang binata, sanay mag-injection.

Mayamaya pa’y nagkikisay na ang matanda.

Sigaw agad si Generoso. “Nurse!  Nurse!”

Namatay si Mang Juan, nasa mukha ang kapayapaan.

Pinayapa ng nurse ang luhaang si Generoso. “Mabuti na pong namahinga na si Lolo, sir. Hirap na hirap na po siya…”

Si Generoso ang nag-asikaso sa bangkay, binigyan ito ng simpleng libing sa public cemetery. Nabawasan ng isa ang  mga pasyenteng wala nang pag-asa, sa loob-loob ni Generoso. Kahit paano ay nalugod ang maawain niyang puso. Nang ikatlong gabi, nagising si Generoso –muntik nang mapasigaw.

Nakita niyang nasa tabi ng kama niya, nakatunghay, ang malausok na anyo ni Mang Juan. May ngiti ito sa labi, halatang nagpapasalamat.

Nawala ang takot ni Generoso. “A-ayos na ba kayo diyan?”

Nakita ni Generoso, tumango ang malausok na anyo.

Saglit pa ay unti-unti nang nawala.

Ipinilig-pilig ni Generoso ang ulo. Siya ba ay nanaginip lamang?

Gustong paniwalaan ni Generoso na dinalaw nga siya ni Mang Juan, nagpapasalamat ito at pinatay niya.

“Wala pong anuman, Mang Juan. Isa pong karangalan na nakapagpapunta ako ng tao sa Kalangitan,” nakangiting bulong ni Generoso, feeling great, pakiramdam ay hero. Ang taong ito ay may kakaibang kabaliwan.

( ITUTULOY)

BILANG

BINULUNGAN

GENEROSO

JUAN

MANG

MANG JUAN

NAKITA

NANG

SI GENEROSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with