^

Para Malibang

‘The rainbow (24)’

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“NAUNAWAAN mo ba ang sabi ko, Willy?  Matuto kang tanggapin ang kalooban ng Diyos. Kalimutan mo ang negatibong hinala kay Mildred.  Wala si­yang kapangyarihang pakialaman ang destiny ni Tamara.” Mahaba ang dagdag na payo ni Father Jayson.

Nagsumiksik sa di­wa ni William ang ba­nal na pananaw ng alagad ng Diyos. Na­pabuntunghininga siya.

Nakaunawa. Bakit nga ba ipinipilit niyang ipinahamak ni Mildred ang kanilang anak?  Di ba noong nabubuhay pa ang misis, kapa­ngapangarapan nitong maging matagumpay na doktora si Tamara?

Para daw makapag­lingkod sa mga maysakit. Dakila ang pa­ngarap ni Mildred sa nag-iisa nilang anak.

Hindi kailanman hahangarin ni Mildred na ma­matay nang maaga ang matalino at magandang bata.

At di ba hanggang sa huling araw ni Mildred sa mundo, naging ulirang asawa at ina ito sa kanila ni Tamara?

“Mildred, what have I done to you?  Napakasama kong mister…” sa sarili ay nausal ni William, labis na nagi-guilty.

“William, I must go now. Pag-aralan mo ang payo ko, sundin mo dahil nararapat. Alayan mo ng dasal para sa kaluluwa ang iyong mag-ina.”

Tumango ang nagluluksang biyudo. “Opo, Father. Salamat.”

“You may continue chasing rainbows, Willy. Walang masama doon.”

Tumango si William, nakangiti. “You bet I will, Father.”

Natuwa sa nangyari si Donna. “See? Kinaila­ngan pang matalinong pari ang magpayo sa iyo. Tampung-tampo na siguro sa iyo si Mildred.”

“Nasa patnubay na siya ng Diyos, sila ni Tamara, feel ko.”

“Good. Positibo ka na ngayon, William.”

TATLONG araw ang lumipas. Magdi-dinner date sina Donna at William nang surpresahin sila ng Langit.

Umulan nang hapon na iyon, nagkaroon ng rainbow.

“William, parang sa sementeryo nakatapat ang dulo.”

Sa sementeryo nga, more or less, natiyak nina William. Tinugis nila ang malapit na bahaghari hanggang sa marating nila ang libingan.

“Dito nakahimlay ang aking mag-ina, Donna. Banda roon.”

“I know, nakipaglibing ako noon remember?”

Si William lamang ang nakakita sa mga multo. “Oh my God, narito sila!” (TATAPUSIN)

ALAYAN

BAKIT

DIYOS

FATHER JAYSON

MILDRED

SHY

SI WILLIAM

TUMANGO

WILLIAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with