^

Para Malibang

‘The Rainbow (18)’

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“WILLIAM, ba­kan­te ang playground, wala kahit aso o pusang gala,” takang sabi ni Donna. “Bakit hindi ka yata makapaniwala?”

“Ewan ko kung nagbubulag-bulagan ka, Donna! Naroon sila—ang mga batang nagtatawanan at nagsisipaglaro!” Seryoso si William, hindi nagbibiro. “Kaysasaya nila!”

“Oh my gosh, William…n-nababaliw ka na ba? Wala ngang isa mang tao o hayop sa playground na ‘yan! Wala as in WALA, nothing!”

Kinusut-kusot ni William ang mga mata. Nais na yatang magduda sa sarili.  Is he seeing things?  Siya lang ba ang nakakakita…?

“Hindi ako naba­baliw, Donna. Naroon talaga ang mga batang mag-aaral—‘yung mga nasawi sa mga terorista!”

Kinilabutan si Donna. “William…k-kailangan mong magpatingin sa psychologist. Hindi ka puwede mabuhay sa mundo ng make-believe, sa imahinasyon…”

Mangha sa magandang biyuda si William. “Gusto mong palabasin na ako’y nasisiraan ng ulo, ha, Donna?”

“Ayoko man lang isipin na praning ka na nga, William! Napakataas ng respeto ko sa iyo!”

“Kung gayo’y sa akin ka maniwala, huwag diyan sa mata mong hindi lahat nakikita!”

Napailing si Donna, naalala ang unang ‘kabaliwan’ ni William. “Remember kanina na pinipilit mong may rainbow pa? Sabi ko’y wala na, pero ipinipilit mong meron…ganito rin ang nangyayari ngayon, William.”

Parang hindi narinig ni William ang sinabi ni Donna. “D-dumating na rin ang mga titser na napatay din ng terrorists…pati ang bus driver…”

“William, kailangan mo na talagang magpatingin sa duktor…”

“Masasaya silang lahat, pero merong wala…”

“A-Ano ang wala, William?”

“Hindi ano. Sino.”

“S-Sino ang wala…?”

“W-wala sa kanila ang anak ko…”

“Imahinasyon mo lang ang lahat, William,” naluluha nang sabi ni Donna, awang-awa sa lala­king labis na nagdurusa.

“Bakit si Tamara pa ang wala? Bakit ang anak ko pa…?” (ITUTULOY)

A-ANO

AYOKO

BAKIT

BRVBAR

DONNA

NAROON

WALA

WILLIAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with