^

Para Malibang

‘Underwear’ para kay ate

Pang-masa

Minsan, may mga okasyon na nangangailangan ng tamang underwear sa iyong kasuotan para naman hindi pumangit ang iyong “outfit”. Narito ang ilang uri ng underwear na dapat isuot sa tamang damit:

Para sa pants at shirt – Dapat na cotton panties at bra lang ang suot sa ganitong uri ng damit. Dahil sa mainit ang pants dapat na malamig na tela ang iyong suot na panloob para maiwasan ang pagpapawis at pagkairita ng pribadong bahagi ng iyong katawan. Magsuot din ng underwire bra para matiyak na masuportahan nito ang iyong dibdib.  Kung paborito mo naman magsuot ng manipis na pang-itaas, dapat na plastic strap na bra ang iyong gamitin o di kaya ay seamless bra. Kung mahilig naman magsuot ng low-rise jeans, hipster panties naman ang dapat gamitin.

Aktibong babae – Kung ikaw naman ay isang active girl, dapat na hipster panties o boy shorts panties ang gamitin para mas komportable ang pakiramdam at malaya kang nakakagalaw.  Iwasang gumamit ng thong panty kung ikaw ay mahilig sa sports dahil hindi nito maayos na masusuportahan ang iyong katawan.  Bumili din ng sports bra para maiwasang agad na bumagsak ang iyong dibdib.

Formal attire – Kung long dress naman ang iyong isusuot, okey sa’yo ang thong panty at seamless panties naman kung maikling dress ang iyong suot.  Ang seamless underwear kasi ay hindi babakat sa suot mong damit habang nagbibigay ng komportableng pakiramdam sa’yo gaya ng ibinibigay na komportable ng isang ordinaryong panty na isinusuot sa araw-araw. 

Para sa iyong “night outs” -  Kung plano mong magsuot ng hapit na black dress o anumang damit na pang-seksi, dapat kang gumamit ng shaper sa iyong katawan gaya ng Spanx o Jockey’s shape wear line.  Sa pamamagitan nito, maitatago mo ang mga bilbil na hindi dapat bumakat sa iyong damit.

Para sa trabaho/ opisina – Kung ang iyong sinusuot sa trabaho ay hapit na pencil skirts, bagay mong suutin ditto ay seamless panty at kulay gray na bra na bumabagay sa kulay ng iyong  balat sa dibdib. Kung casual dress naman ang kailangan sa iyong trabaho tama lang na magsuot ng strapless bra lalo na kung manipis ang manggas ng iyong blouse.  Mahusay din na gamitin ang wireless bra sa hapit na t-shirt at hipster underwear naman sa maong upang hindi rin ito bumakat

AKTIBONG

BRA

DAPAT

IYONG

KUNG

NAMAN

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with