^

Para Malibang

‘The Rainbow (16)’

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SUMILID sa isip ni William—hindi nga pala puro batang mag-aaral ang napatay ng mga terorista, pati mga guro ng elementary school ay nagbuwis ng buhay.

“Dalaga ang anak kong titser, 22 anyos, hindi pa siya dapat namatay,” luhaang sabi ng ginang na kausap ni William.

“Nakikiramay po ako. Nawalan din po ako ng anak na babae, 7 years old, napaka­talino…limang beses binaril…”

“Parepareho pala tayong nagdadalamhati, sir. Kami po dito ay humihingi ng katiwasayan sa Pa­nginoon. Napakahirap pong tanggapin…”

Naalala ni William ang bahaghari. Baka may surpresa ang likhang sining ng Diyos. “Napansin n’yo po ba kanina ang rainbow?”

Saglit na nag-isip ang ginang. “Aba, kanina e may sinasabi ‘yung ibang mga magulang dito. Tungkol sa rainbow na pagkalapit-lapit daw. Pero nawala daw kasabay ng pagtigil ng ulan.”

“Natanaw ko rin po iyon sa layong dalawang kilometro, misis. Tantiya ko’y dito mismo sa ele­mentary school ang isang dulo.”

Tumangu-tango lang ang ginang, hindi makita ang sense ng pag-uusap tungkol sa rainbow. Nagluluksa sila, bakit uunahin ang rainbow?

Hindi masabi ni William ang kugnayan ng rainbow sa paghahanap niya kay Tamara. Na bago namatay ang bata ay binanggit nito ang pagpunta sa dulo ng bahaghari.

“William, I’m here na!” Dumating na pala ang magandang biyuda, may dalang kandila at pumpon ng bulaklak.

“Donna, salamat uli. Tara, samahan mo akong mag-alay.” Tinungo ng dalawa ang labas ng saradong gate ng school. Isinama nila sa mga bulaklak doon ang sarili nilang bouquet.

Nagtirik sila ng kandila. Nag-ukol ng dasal para kay Tamara at kay Mildred si William, mula sa puso. “Lord, bigyan Mo po ng kapayapaan sa Iyong piling ang a­king mag-ina. Ayoko na pong sisihin si Mildred, wala naman po akong ebidensiya na sinadya niyang ipahamak ang aming anak.”

Si Donna ay nag-ukol ng dasal --para kay William,. “Panginoon, pagalingin Mo po ang sugatang puso ni William. Let him see the light of Your wisdom. Ibalik Mo po siya sa normal na takbo ng buhay… Let him love again, My Lord…”

Natapos ang dasal. “Donna, papasok tayo sa school grounds. Baka naroon ang surpresa ng rainbow.”  (ITUTULOY)

             

AYOKO

DIYOS

DUMATING

IBALIK MO

ISINAMA

MY LORD

SI DONNA

WILLIAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with