‘The Rainbow (14)’
KAYA nga bang hulihin ang dulo ng bahaghari? Ito ang nais patunayan ni William at nakikiayon sa kanya si Donna. Ang biyudo at biyuda ay magkasunod ang mga sasakyan, humahagibis sa madulas na highway habang umuulan.
Si Donna ang uÂnang kinabahan. Mali na magmabilis.
“William, don’t go too fast, slippery ang daan!†sabi ni Donna sa cellphone, alam na dapat paalalahanan ang nagdadalamhaÂting lalaki.
“Donna, I need to see my daughter. May pakiramdam akong naroon si Tamara. Bihira akong kabahan nang ganito.â€
“Oo, alam ko naman ‘yon, William. Pero hindi dapat mamatay ka nang wala sa panahon. Slow down, please.â€
Bruuummm. Lalo pang pinabilis ni William ang kotse, binalewala ang paalala ni Donna.
Napailing ang magandang biyuda. “Siyet, William! Masyado ka palang spoiled!â€
Gayunma’y nanatiling nakasunod si Donna sa kotse ni William. This widow is very much in love sa bagong biyudo.
TAMA nga ba ang hula ni William? Tanaw niya mula sa distansiyang 2 kilometers na sa elementary school nina Tamara nakatapat ang dulo ng rainbow. Ewan lang kung sakto nga ang pananaw ni William.
Si Donna ay wala nang nakikitang rainbow. “Saan na pupunta si William? It’s useless!â€
Kinontak muli ni Donna si William. “William, slow down. Wala na ang rainbow.â€
Nawirduhan kay Donna ang biyudo. Malabo na ba ang mata nito? “What are you saying? Donna, hayun pa rin ang rainbow! Taglay ang seven colors! Lalo pa ngang luminaw!â€
“Whaaat?†Nag-worry si Donna. Nabaliw na bang tuluyan ang lalaking nais mahalin?
“Wala na ngang rainbow, William! Listen to me!â€
“Meron paring rainbow, Donna. Ikaw ang makinig sa akin! May ibig sabihin ang rainbow at iyon ang aalamin ko!â€
NANG sapitin ni William ang elementary school, saka lang nalaman ni William na hindi lang siya ang nagluluksa. Naroon ang mga magulang ng mga kaklase ni Tamara na nangamatay din sa mga terorista, nagsisipagtirik ng kandila, nag-aalay ng bulaklak at dasal. (ITUTULOY)
- Latest