Maging maganda kahit buntis (2)
Ito ay huling bahagi ng paksa kung paano mo mapapanatili ang iyong kagandahan kahit ikaw ay buntis. Narito ang ilang paraan:
Panunuyo ng balat – Kung ikaw ay may skin allergy gaya ng eczema o psoriasis, mas lumalala ito sa panahon ng iyong pagbubuntis. Dahil dito, mas lalo kang dapat uminom ng maraming tubig o higit sa normal na dami ng tubig bawat araw. Kung hindi pa rin nito nagagamot ang paglabas ng iyong allergy mas mabuting kumunsulta sa doctor.
Pagtaba – Ang pagtaba ay isang malaking sensyales ng pagbubuntis. Kaya lang hindi rin ito nakakabuti sa iyo at sa iyong sanggol. Hindi mo dapat isipin na dalawa kayong kumakain kaya dapat na mas marami ang pagkain na ilagay sa iyong katawan. Bagama’t tama naman na magdagdag ng “ extra-nutrients†sa iyong katawan, hindi ito nangangahulugan na may karapatan ka ng kumain ng isang bundok na pagkain araw-araw.
“Good Posture†– Ang pagkakaroon ng “good posture†ay mahalaga sa isang buntis. Karaniwan kasi sa mga buntis ay medyo nakukuba habang lumalaki ang kanilang tiyan. Pilitin na maging “aware†sa iyong posture dahil makakaapekto ito sa iyong spinal cord hanggang sa iyong panganganak.
“Relaxation†- Ang pagkakaroon ng stress habang nagbubuntis ay natural lang. Kaya hindi mo rin dapat na kalimutan ang pagre-relax. Para maging ang baby ay ma-relax din.
- Latest