^

Para Malibang

‘The Rainbow’ (1)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

ISANG maliga­yang pamilya ang mag-asawang Mildred at William at ang nag-iisa nilang daughter na si Tamara, 7.  Nasa 30s pa lamang ang edad ng mag-asawa, punumpuno pa ng mga pangarap.

Kasama sa lifestyle ng pamilya ang pamamasyal tuwing weekends. Pumupunta sila sa scenic spots dala ang family van. Sa mahabang biyahe, si Mildred ang gustung-gustong nagda-drive.

“Mildred, you’re going too fast, baka tayo mabangga,” paalala ni William, hindi kumpor­table kapag ang misis ang nagmamaneho.

“Mommy, drive safely po,” paalala rin ng batang si Tamara.

Tinawanan lang sila ng magandang ina. “Tahimik lang kayong mag-ama, okay?  Kontrolado ko ang manibela.”

Tumigil sila sa roadside na nakatunghay sa dagat sa ibaba. Nagpa­hangin.  May nakatawag ng pansin ni Mildred.

“Hayun!” Itinuro niya sa kanyang mag-ama ang nasa magkabilang bahagi ng mountain ranges.

Bahaghari. Rainbow.

“May manipis na ulan sa gawing iyon, kaya nagkaroon ng rainbow,” paliwanag ni Mildred.

Si William ay abala sa pagkuha ng pictures ng mag-ina.

Nagtanong si  Tamara.  “Ano po ba ang nasa rainbow?”

Sumagot si William. “Nasa rainbow ang mga nais maligo sa ulan! Laluna’yung may mga bungang-araw!”

Natawa ang batang babae, alam na nagbibiro ang daddy. Napapangiti lang si Mildred sa cute niyang mag-ama.

“Mommy,  ano nga po ang meron sa rainbow?”

Hiram ang sagot ng mapagmahal na ina. “Gaya ng sinasabi ng isang  kanta—‘at the end of a rainbow, you’ll find a pot of gold’.  Mala­king kayamanan  ‘yon kung totoo.”

“Nakarating na po ba kayo sa dulo ng rainbow, Mommy.”

Umiling agad ang ina. “Wala pa sigurong tao na nakarating na sa dulo ng bahaghari. Laluna’t kung kasama ang makulit na mag-ama.”

Nahulaan  ni Tamara. “Kami ‘yon ni Daddy!”

“Kayo nga! Super-daldal kayo!” Sinundan iyon ng tawanan.

Nang matapos ang maghapong pamamasyal saka lamang nakadama ng pagod si Tamara. Pinatulog muna ito ni Mildred sa kanyang kandungan.

Hindi alam ng mag-anak, dadalaw si Kamatayan. (Itutuloy)

ANO

BAHAGHARI

LALUNA

MAG

MILDRED

RAINBOW

SI WILLIAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with