‘Nipple problems’ Last Part
Ang bawat nipple ay may 15–20 na maliliit na pores na nagsisilbing openings ng ducts na nagkokonekta sa glandular tissue sa breast.
Kailangang malaman kung ang discharge ay lumalabas sa isang pore o sa madaming pore.
Hindi naman nangangahulugang ito ay breast cancer kung ang discaharge ay lumalabas sa ilang pore at kung walang dugo ito at kung ikaw ay wala pang 50-gulang.
Kung may dugo ang discharge at lumalabas sa isang pore, siguradong kailangan ng malalim na pagsusuri para malaman kung hindi breast cancer ang dahilan nito.
Kung ang discharge ay parang gatas na lumalabas sa dalawang breast, maaaring suriin ng doctor kung may imbalance ng hormone na prolactin.
Kung normal ang lahat ng test, huwag na dapat mag-alala ngunit maaaring mairita sa discharge na maaaring magmantsa sa damit.
Ang posibleng dahilan ay pamamaga sa paligid ng ducts na may kinalaman sa paninigarilyo na maaaring mawala kung ititigil ang paninigarilyo.
- Latest