^

Para Malibang

Pagkain para kay kuya

Pang-masa

Halos lahat ng pagkain ay nakakapagbigay ng benepisyo sa katawan ng tao. Ngunit may mga partikular na pagkain na nakabubuti sa katawan ng mga kalalakihan. Narito ang ilan:

Blueberries – Ito ay mabuti sa katawan ng mga lalaki dahil nakakapagpababa ito sa panganib na magkaroon ng prostate cancer dahil sa mataas na taglay na “proanthocyanidins” nito. Panlaban din ito sa type 2 diabetes at memory loss.

Brazil nut – Ang pagmemeryenda ng nuts o mani ay mabuti para sa puso at balat. Pero, ang brazil nuts ay mayaman sa selenium na nagtataglay ng antioxidant at nagpapalusog sa sperm ng mga lalaki. Kaya kung tingin mo ay hindi healthy ang iyong sperm ay kumain lang ng brazil nuts.

Broccoli – Nagtataglay ito ng “sulphoraphe” na panlaban din sa cancer. Tumutulong ito para bumaba ang panganib na magkaroon ng bladder, prostate at colorectal  cancer ang mga lalaki.

Oyster – Mahusay itong pinagkukunan ng zinc, kung saan nagbibigay din ng fertility para magkaroon ng tama at malusog  na bilang ng sperm sa mga lalaki. Tumutulong din ito para mapanatili ang makapal na buhok upang hindi agad makalbo.

 Whole grains -  Ito ay mabuti sa kalusugan ng tao dahil sa mataas na fiber. Ang whole grain gaya ng kanin at oat ay mayaman sa vitamin B. Nakakatanggal din ito ng depresyon.

Itlog – Kung nakikita mong ikaw ay nakakalbo na, kumain lang ng itlog dahil mahusay din itong pinagkukunan ng protina at biotin o vitamin B7. Ang egg yolk ay may mataas na antas ng iron.

DIN

ITLOG

KAYA

MAHUSAY

NAGTATAGLAY

NAKAKATANGGAL

TUMUTULONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with