Anong dapat kainin para sa malusog na balat? (1)
Anumang kinakain ay nakakaepekto hindi lamang sa sistema ng katawan kundi maging sa maaaring maging itsura nito. Kaya nga sinasabing, you are what you eat.
Pero para sa maraming skin care expert, ang lahat ng mga ipinapahid o inilalagay sa katawan ay kalahati lamang ng kabuuan nito. Dahil ang kinukonsumong pagkain ay kasing halaga rin ng mga hakbang kung paano malalabanan ang mga factor gaya ng UV radiation at free radicals, na nakakaapekto rin sa katawan.
Ipinaliwanag ng mga expert ang mahalagang bahagi ng mga nutrients at antioxidants para magkaroon ng magandang balat.
1 Water-Rich Foods
Hindi lang sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig kundi maging sa kinakain din ang pagkonsumo nito. Ang pagkonsumo ng mga pagkaing mayaman sa tubig, lao na ang mga prutas at mga gulay ay hindi lamang makakatulong para mapanghawakan ng matagal ng katawan ang tubig, kundi para ma-boost ang mahahalagang antioxidants, fibers at iba pang mga nutrients. Ilan sa mga pagkain na mayaman sa tubig ay ang pipino, pomegranates, avocado, mangga, brocolli at spinach.
2 Polyphenol
Makailang uli na nating napag-usapan ang tungkol sa kainaman ng nutrients na ito sa katawan kung saan pinakamahalagaang maituturin ay ang antioxidant property at inflammatory effects na tumutulong para maprotektahan ang katawan laban sa free radicals. Sinasabing galing sa polyphenol ang pangunahing pinagkukunan ng depensa ng katawan laban sa ultraviolet radiation.
Sa mga makabagong pag-aaral, lumalabas din na ang diet na mayaman sa nasabing nutrients ay natutulungan ang katawan laban sa panganib ng cancers, cardiovascular disease, diabetes at iba pang life threatening disease.
Mayaman ang pomegranates, cranberries, bluberries at green tea sa polyphenol.
3 Carotenoid
Binansagan itong ultimate multitasker, dahil sa kakayahang maprotektahan ang balat sa iba’t ibang bahagi laban sa pagkasira. Kaya mahalaga na ma-monitor ng maigi ang diet. Mayaman sa nutrients na ito ang goji berries, kamatis, watermelon at pink grapefruit.
4 Lycopene
Kung pinapatid ng carotenoid ang panganib ng ilang cancer, kasama na ang skin cancer. Lumalabas naman sa mga makabagong pag-aaral na ang lycopene na may kasamang carotenoids ay nakakatulong para mabawasan ang sunburn at pinsala sa balat dulot ng UV rays. Mapagkukunin ng lycopene ang mga produktong gawa sa kamatis, prutas na watermelon, bayabas at pink grapefruit.
5 Coenzyme Q10
Inilalarawan naman bilang shield laban sa free-radical damage ang coenzyme Q10. Dahil pinipigilan nito ang paninira sa cells. Para makuha ang proteksiyong ito, ugaliin ang pagkain ng spinach, mga mani, wheat germ at whole grains.
6 Beta Carotene
Nagsisilbing shield din ito laban sa sun damage at tumutulong para matamo ng katawan ang kailangan Vitamin A, na mahalaga para magkaroon ng magandang paningin, paglaki, lumusog ang balat at immune system. Ang pagkonsumo ng carrots, sweet potatoes, pula at dilaw na peppers, spinach, mangga at apricots ang isang paraan para makuha ang nutrients na ito.
7 Isothiocyanate
Sinasabing skin cancers at breasy cancers ay dalawa sa pangunahing mga sakit na nilalabanan ng grupo ng nutrients na ito, sa pamamagitan ng pagbawas sa nakakalasong epekto at pagsi-secrete ng iba pang anti-carcinogen chemicals. Dito maaasahan ang broccoli, cauliflower, kale, Brussels sprout, cabbage, watercress at turnips.
8 Vitamin E
Pinaka-sikat na maituturin ang bitaminang ito sa lahat kung tungkol sa pagpapaganda ng balat ang pag-uusapan. Dahil laganap ito bilang lotion ingredients.
Ayon sa mga expert, ang antioxidant na ito kasama ng selenium (nakukuha ito sa mga pagkaain gaya ng turkey at bawang) at vitamin C, para sa mataas na antas ng proteksiyon para sa balat.
Lumalabas sa mga pag-aaral na ang vitamin E ay may mahalagang bahagi para sa immune function, DNA repair at iba pang metabolic processes. Ang wheat germ, almonds at sunflower seeds ang ilan lamang sa mapagkukunan nito.
9 Vitamin C
Hindi lamang kilala bilang tagapagpalakas ng resistensiya ang vitamin na ito kundi bilang tagapagpagan ng collagen, na magbibigay ng mas magandang complexion ng balat at magiging mukhang bata. Pero ang epekto nito ay talagang higit pa sa balat. Dahil ang fibrous protein na building block para sa balat ay mainam din para sa tendons, joints at iba pang connective tissues at mga buti. Asamang pinagbubuti nito ang blood vessels para maging malusog.
Mainam na mapagkunan nito ang mangga, strawberries, potatoes, oranges, broccoli, green pepper.
10 Omega-3
Marami na rin ang nakakalam sa napakainam na dulot ng omega 3 sa katawan, particular sa puso. Pero ayon sa mga expert, mahalaga rin ang ginagampanan nito para mapaganda ang balat. Dahil tinutulungan nito na dumaloy ang nutrients sa mga cells at magsilbing systemic anti-inflammatory.
11 Vitamin Bs
Ang kombinasyon naman ng mga vitamins na ito ay maasahan para agad na maayos ang balat. Alalahanin na kung salat ang katawan sa nutrisyong ito, ilan sa mga disorder na maaaring maranasan ay ang dermatitis; pagbabakbak ng labi, dry skin at pagsusugat nito. Para maiwasan ito, i-maximize ang pagkain ng fat-free milk, fat-free cheese, fat-free yogurt, whole grain cereal, saging, chick peas, oats, mga mani at chicken breast.
12 Cocoa
Pinatunayan ng mga isinagawang pag-aaral na ang pagkain ng cocoa ay nag-i-improve sa photoprotection na nasa balat ng mga kababaihan, nagpapaganda rin sa dermal circulation at nagpapabuti sa kabuuang itsura ng balat. Pero mahalaga rin na maging tama ang pagkonsumo. Dahil maiiba ang epekto kung kakain ng maraming dark chocolate.
- Latest