Cystitis sa mga babae (Para makaiwas) Last part
Ang ‘boisterous sex’ o ‘rough sex’ ang na karaniwang sanhi ng cystitis dahil maaaring masugatan ang urethra o maitulak ang bacteria papunta sa pantog.
Ipinapayong maghugas ng genital area bago at pagkatapos mag-sex.
Suriin din ang ginagamit na condom dahil may mga condom na nakakairita
sa mga babae. Sabihan din ang partner na maghugas ng penis bago at pagkatapos mag-sex. Umihi pagkatapos makipag-sex para mailabas ang bacteria. Uminom ng
tubig bago makipag-sex para may mailalabas na ihi pagkatapos. Hindi lahat ng may problema sa pag-ihi ay may cystitis.
• Kung may pamamaga at pangangati sa opening ng urethra, puwedeng mayroon kang infection.
• Kung ang iyong problema ay umiihi ng madalas, puwedeng mayroon kang diabetis lalo na kapag lagi kang nauuhaw. Ipinapayong komunsulta sa
doctor.
• Kung ang iyong problema ay kailangang umihi na agad kapag nakaramdam na naiihi, maaaring mayroon kang continence problem.
- Latest