^

Para Malibang

Naging ‘manhater’

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Ema-lyn. Mula ng mag-break kami ng aking bf two years ago, hindi ko na pinansin ang mga lalaki. Mahal kong masyado ang aking first and last bf. Four years din kaming mag-on at katunayan nagplano na kaming magpakasal. Pero sa dakong huli ay may nangyari kaya hindi natuloy ang kasal. Napikot daw siya. May nabuntis siyang babae na naghabol sa kanya kaya napilitan siyang pakasalan ang babae. Mara­ming nanliligaw sa akin pero may trauma pa rin ako sa nangyaring kabiguan sa akin. Dapat ko bang panatilihing sarado ang puso ko?

Dear Ema-lyn,

Kung wala ka pang nakikitang magpapatibok muli ng puso mo, okay lang na huwag pumasok sa bagong relasyon. Pero kung may napupusuan ka naman at sinisikil mo lang ang damdamin mo, hindi makatuwiran na panatilihin mong nakapinid ang iyong puso. “It is better to love and lost than never to have loved at all” sabi ng kasabihan. Dapat manatiling umiinog ang iyong mundo at hindi ito dapat huminto dahil lamang sa isang kabiguan. Ganun talaga, minsan nakakaranas ang tao ng kabiguan, pero hindi naman sa lahat ng panahon ay mabibigo ka at masasaktan. Tiyak na darating ang panahon na makikilala mo si Mr. Right na mu­ling magpapaibig sa’yo sa kabila ng sakit na iyong naranasan sa dating pag-ibig.

Sumasaiyo,

Vanezza

DAPAT

DEAR EMA

DEAR VANEZZA

EMA

GANUN

MR. RIGHT

MULA

NAPIKOT

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with