‘Green Budha’
Tanong: Pahingi ng Fengshui suggestion para lumakas ang benta ng aking barbecue. Kailan ako magkakaroon ng girlfriend? ---Mimoy
Sagot: Bumili ka ng isang small size green Buddha at ilagay mo sa ibabaw ng cash box. Bumili ka rin ng 3 Chinese coin na nakatali sa red ribbon. Ihalo mo ito sa napagbentahan mo. Dasalin mo rin ang Psalm 5 upang maging malakas pa rin ang iyong benta kahit pa marami kang kakumpetensiya.
Mga taong may zodiac sign na Taurus, Cancer at Libra ang magkakaroon ng malaking role sa iyong lovelife. Ang petsa ng kanilang kaarawan ay 6, 3, 2, 15, 24, 30, 12, 11, 20. Magaganap ito sa 2013, sa buwan ng February, May, September, at November. Magsuot ng blue para lalong maging attractive sa opposite sex.
(Ipadala ang inyong katanungan sa [email protected])
- Latest