Sino ang makakatulong sa iyo?
Kung ikaw ay nangangailangan ng taong makakapitan sa oras ng kagipitan, sino ba ang mga taong makakatulong sa iyo?
Kung ang birthday mo ay 1, 10, 19, 28:
Tutulungan ka nang buong puso ng mga taong isinilang ng 1, 4, 8. Pangmatagalan ang tulong na ibibigay nila lalo na si number 8. Makakatulong din sa iyo ang 2 at 7 ngunit hindi pangmatagalang suporta. Pero si 8 ay incompatible sa iyo pagdating sa love, business at politics.
Birthday: 2, 11, 20
Magtiwala ka kay number 7 dahil gagawin nito ang lahat matulungan ka lang. Si number 2 ay hindi maaasahan sa lahat ng oras. Minsan may pakinabang ka pero minsan, perwisyo lang ang ibibigay sa iyo. Pero may kahirapang maghanap ng number 7 person kaya puwede mong hingin ang tulong nina 1, 3, 4, 8. (Itutuloy)
- Latest