^

Para Malibang

Tamang pagkain ayon sa body type (1)

HEALTH CORNER - JC - Pang-masa

Inaakala ng marami na ang “body type” ay nag­lalarawan lamang sa kung ano ang itsura ng isang tao. Pero sa katunayan sa pamamagitan ng body type ay makakakuha ng impormasyon tungkol sa kung paano nagre-react ang iyong katawan sa kinakain mo at ma­ging ang iyong hormonal at sympathetic nervous system (SNS) characteristics.

Ang physique charac­teristics ay maaaring iugnay sa metabolic differences ng bawat tao. Kapag na-established na ang body type, pwede nang i-adjust ang nutrient intake para ma-maxi­mize ang body composition at ang iba pang goal pangkalusugan.

May tatlong pangkalahatang categories ng body types (somatotyoe): ang ectomorph, mesomorph at endomorph. Ayon sa mga health exoert, iilan lamang ang tumutugma sa isa sa tatlong nabanggit na mga categories. Dahil karaniwan, mix o pinaghalo ang mga ka­tangian ng iang tao. Bukod pa dito, ang ilang taong pagsasanay at magandang nutrition ay maaaring magpabago sa panlabas na katangian ng katawan ng isang tao. 

Halimbawa, ang isang bodybuilder ay maaaring mapagkamalang natural o mesomorph samantalang siya ay nabibilang sa endomorph, na sinanay at nagda-diet ng maigi; o isang ectomorph na ginugugol ang mga taon sa labis na pagkonsumo ng protein shakes at nagsasagawa ng power lifts. Ang isang ectomorph, na bahagyang nadagdagan ang bigat sa gitnang bahagi ng katawan dahil sa pagkakaroon ng sedentary o hindi aktibong lifestyle at poor nutrition ay maaaring ituring na mas pasok sa endomorphic catergory.  (Itutuloy)

AYON

BODY

BUKOD

DAHIL

HALIMBAWA

INAAKALA

ISANG

ITUTULOY

KAPAG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with