HAHANAPIN KITA (13)’
DALA ni Gabriel hanggang sa universidad ang mga problema sa buhay. Hindi niya maiwasang alalahanin ang susunod na pagkikita nila ni Carmina. “Paano kung magkatotoo ang sabi ng hitana? Anong klaseng pagbabago ang magaganap…?”
“Professor?”
Napaigtad si Gabriel. May itinatanong na pala sa kanya ang isang estudyante. “Y-yes, Miss Sandra?”
“Sir, I just want to know…puwede po bang tungkol sa paranormal activities ang gawin kong research?”
“Oo naman, Miss Sandra. Tiyaking original, hindi kinopya.”
“You mean, hindi plagiarized?” paniniguro ng magandang senior student. “Tulad ng ginagawa ng isang senador ng republika?”
Napangiti si Gabriel, tumango.
“Sir, isang tanong na lang ho…”
“Okay. Ano ‘yon?”
“Bakit ho kayo parang naluging intsik?”
Napaigtad na naman si Gabriel. Nabigla sa tanong ng nakangiting dalaga. Hindi malaman kung matatawa o magagalit.
Piniling matawa. “Ha-ha-ha-ha!”
“Wow! Guwapung-guwapo kayo lalo kapag nakatawa!” “You are funny,
Miss Sandra. Akala ko’y kung ano ang
itatanong mo.” Hindi nakaligtas kay Gabriel ang kakaibang kagandahan ni Sandra. Nasa canteen sila noon ng universidad.
“Masyadong boring ang seryosong buhay, Professor. Nakatutulong ang konting
landi.”
“Hey, avoid using
‘landi’, Miss Sandra.
Baka akalain ng kausap mong ikaw ang lumalandi, gayung ang ibig mong sabihin ay medyo mag-relax.”
“Ayy, marami nga palang kahulugan ang ‘landi’.
Salamat for reminding me, sir.”
Nginitian siya ni Sandra, saka umalis na ito.
Nagtungo si Gabriel sa puntod ni Carmina.
Kaarawan ng dalagang pinakamamahal.
“Happy birthday, saan ka mang bahagi ng paraiso naroroon,
Carmi. I miss you so much.
Hindi kita nalilimutan.” Nag-alay siya ng
bulaklak, a bouquet of pink roses. Paborito
ni Carmina ang mga rosal na kulay-pink.
“Alam mo bang wala na akong hinihintay kundi ang kunin na rin ako ni Lord, ha, Carmi?” Biglang umambon sa bahaging iyon ng libingan. Takang-taka si Gabriel.
(ITUTULOY)
- Latest