‘HAHANAPIN KITA (11)’
FIRST thing the next morning, ipinadevelop na ni Dave ang mga fi lm. Sabay sila ni Gabriel nang balikan ito after 2 hours.
“Mga bossing, nadebelop pero hindi naming puwedeng i-print,” seryosong sabi ng nasa developing center.
“Bakit hindi puwede?” tanong ni Gabriel.
“Sira bang lahat ang kuha ko?” dagdag ni Dave.
Ipinakita sa kanila ng printer ang negatibo.
“Buo naman ang negatibo. Kaso lahat ng kuha ng babae ay walang detalye. Kapag ipi-print, ang lilitaw ay silhouette lamang.”
Mangha sina Dave at Gabriel. Nakita nila sa negatibo na wala ngang anumang detalye ang kuha kay Carmina.
Maging ang suot na damit ng yumaong dalaga ay walang detalye.
“Paano po ba ang nangyari, mga bossing? May
special effect ba kayong inilagay bago kunan ng
picture ‘yung babae?” Hindi makasagot sa printer ang magkaibigan.
Maniniwala ba ito kung sasabihin nilang patay na, kaluluwa lamang, ang kinunan nila ng litrato? Na mula sa kabilang buhay ay nakipagkita si
Carmina sa boyfriend? “Mahabang istorya, p’re. S-Sige, dadalhin na lang namin itong negative. Singilin mo na lang kami for services rendered.” Kinuha na ni Gabriel ang kakaibang negatibo.
NAGUGULUHAN na naman si Gabriel. Sakay sila ni Dave ng kotseng ang huli ang nagda-drive.
“Bakit hindi nag-register sa negatibo si Carmina, Dave?” “Hindi na siya solid entity, Gabby. Gaya ng hangin.
Hindi nakikita ang hangin, di ba?”
“Pero nakita natin siya sa bayside park, Dave!”
Napabuntunghininga ang kaibigan ni Gabriel.
“Wala akong maisip na sagot, p’re. Tanungin mo na next time.”
Si Gabriel naman ang napabuntunghininga.
“Ang next time na sinasabi mo, ang hu ling pagmi-meet namin
bago ang malaking pagbabago-- kung paniniwalaan ang hitana…”
“Then huwag paniwalaan ang hitana, Gabriel.
Kumbaga, if symptoms persist, change your doctor.”
May halong biro ang sagot ni Dave pero hindi natawa si Gabriel.
“Ang pag-iibigan lamang namin ni Carmina ang pinaniniwalaan ko.
Hindi kami mawawasak ng prediksiyon ng hitanang ‘yon, Dave.” (ITUTULOY)
- Latest