^

Para Malibang

In-love sa pinsan?

IDAING MO KAY VANESSA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po si Ms. July. Nais ko pong malaman kung tama ba o mali ang nararamdaman ko sa aking boyfriend. Bago pa man kami maging mag-on, best of friends na kami high school pa lang. Nagkaroon na po siya ng gf at ako’y nagka-bf na. Nito pong college na kami naging mag-on dahil pareho na kaming malaya. Noong high school kami nahulog po ang feelings ko para sa kanya pero pinigil niya dahil hindi raw puwede at kami’y mag-pinsan. Pero nitong college nagulat ako nang ligawan niya ako. Sa ngayon po ay mag-4 months na kami. Itutuloy ko po ba ang relasyong ito kasi madalas din ka­ming mag-away? Hindi ko kasi maintindihan kung mag-pinsan talaga kami o malayong kamag-anak. Tama ba ang relasyon namin? Dapat po ba itong patagalin o putulin na? At kung puputulin ko ang relasyon, maibabalik pa ba sa dati ang pagkakaibigan namin?

Dear Ms. July,

Hindi kita mapapaliwanagan tungkol sa pagi­ging magkamag-anak ninyo ng bf mo dahil hindi mo nabanggit kung hanggang saan ang inyong relas­yon sa dugo. Kung talagang nais mong malaman kung gaano kalayo o kalapit ang inyong pagiging mag-pinsan, ang dapat mong kausapin ay ang mga magulang mo. Sila ang higit na makakapagbigay-linaw sa inyong family tree. Tanging ikaw lang din ang makakasagot kung dapat bang putulin o hindi ang inyong relasyon. Sabi mo madalas kayong mag-away. Okay lang ang away kung paminsan-minsan at agad din namang naaayos. Pero kung ang away ay madalas at wala ng respeto sa isa’t isa, mag-isip ka na dahil walang kahihinatnan ang ganyang samahan.

 

 

vuukle comment

DAPAT

DEAR VANEZZA

ITUTULOY

KAMI

KUNG

MAG

MS. JULY

NAGKAROON

NOONG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with