^

Para Malibang

Hahanapin Kita (7)’

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“ANO ‘ka mo, Dave?” tanong ni Gabriel sa kaibigan.“Sabi ko, kung puwedeng mapanood ang next meeting ninyo ni Carmina sa susunod na buwan?”“Puwede naman siguro. Pero huwag ka nang magparamdam kay Carmi, baka mabulabog siya.” “Great! Ako ang magiging saksi ng kakaibang pagkikita ninyo, Gabby! Biruin mo, isang buhay at isang patay ang magkikita at mag-uusap!” Hindi maitago ang excitement ni Dave. Napabuntunghininga si Gabriel. “Napakadali

ng pagkikita namin. Wala pa yatang 3 minutes. Kaydami ko pa namang nais itanong…” “Gaya ng ano, bro?” “Itatanong ko kung…kung kumusta na siya sa kabilang buhay. Kung ano ang hitsura ng Heaven…Kung marami ba siyang kakilala…” Tumangu-tango si Dave. “Ako, gusto kong itanong kay Carmina kung nakita niya sa Paraiso sina Sister Teresa at Princess Diana…” “Itatanong ko rin k-kung allowed ang ligawan sa Heaven, Dave.” Napaarko ang kilay ng kaibigan. “Takot kang maligawan doon ng iba si Carmina?” Tumango si Gabriel. “Lalo siyang gumanda, laluna kapag nakangiti. Tiyak na maraming lalaking maa-attract sa nobya ko.” “Hey, di ba pawang kapayapaan at ligaya daw ang nasa Langit? Payapa ba kung may ligawan? Liligaya ba kapag binigo sa pag-ibig?” sunud-sunod na tanong ni Dave. Nakaunawa si Gabriel. “I see your point. Iisipin ko na lang na walang ligawan doon. Hihintayin ako ni Carmina sa kabilang buhay.” “Good. Pero huwag kang magmadali, Gabriel. You are too young to die. Marami ka pang magagawang kabutihan sa mundo.” Matamlay na ngumiti si Gabriel. “Para akong eroplanong bali ang isang pakpak. Ewan kung mararating ko ang airport…” Natawa si Dave. Nagandahan sa dialogue ng kaibigan. “Ha-ha-ha-ha!” PAUWI na si Gabriel dala ang kotse nang may makita sa sidewalk. Isang babaing kumakaway sa kanya, nakangiti, pamilyar ang mukha. “Ang hitana!” natiyak ni Gabriel. N a p a p r e n o . SCREECHH. Hinabol niya ang hitana. “Paano mo nahulaan? Sino ka?” Makahulugang ngiti ang sagot nito.

vuukle comment

BIRUIN

CARMINA

GABRIEL

ITATANONG

KUNG

PERO

PRINCESS DIANA

SISTER TERESA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with