Usapang gilagid Last Part
Karaniwang nararanasan ito ng mga mandaragat o sailor kung saan ang nagsisilbing gamot nila ay ang pagkain ng lemons o kaya ng oranges.
May mga magulang naman na naniniwalang ang pagpapahid ng buong tawas sa bahaging apektado ng singaw ay makatutulong para mawala ito agad, pero wala namang sapat na pag-aaral tungkol dito.
Kaugnay naman sa mga makabagong pamahid na sinasabing mainam para sa singaw, makabubuti kung isangguni muna ito sa inyong doktor.
Maaari ring ikonsidera ang pagkonsumo ng mga natural na pagkaing mayaman sa Vitamin C, gaya ng makakatas na prutas para mapunan ang kakulangan ng katawan dito at maproteksyunan ang sarili laban sa singaw.
May iba’t ibang Vitamin C supplement na rin na mabibili sa mga lisensiyadong drug store na maaaring makatulong. Hingin ang payo ng inyong doktor kaugnay dito.
- Latest