Alam n’yo ba?
Alam n’yo ban ang paru-paro ay hindi makakalipad kung ang temperatura ng kanilang katawan ay mas mababa sa 86 degrees? Nadiskubre naman sa Egypt at Thebes ang labi ng isang paru-paro kung saan ito ay nabuhay 3,500 taon na ang nakalilipas. Mayroon 700 uri ng paru-paro sa North America. Ang paru-paro ay nakakalipad ng 12 miles kada oras. Ang Monarch butterfly naman ay nakakapaglakbay mula Great Lakes hanggang Gulf of Mexico. Ito ay may layong 2,000 miles. Magbabalik naman ang paru-paro sa Norte pagsapit ng tag-sibol. Tanging mga kulay na pula, berde at asul ang nakikita ng paru-paro. Karamihan ng mga paru-paro ay ginagamit ang kanilang paa para sa kanilang panlasa. Dito nila napag-aaralan kung ang dahon na kanilang tinutungtungan ay magandang pangitlugan. Mas malaki ang crocodile kaysa sa alligator. Ang pangalang “alligator” ay mula sa salitang Spanish na “el lagarto” na ang ibig sabihin ay butiki o lizard. Ang pinakamalaking alligator ay nasa Everglades National Park sa Florida kung saan ito ay may sukat na 17 feet 5 inches. Nabubuhay ito hanggang 50 taon.
- Latest