GHOST LAKE (31)
NAI-REPORT agad nina Dolores, Miss Santos at Paolo sa mga awtoridad ang malagim na kamatayan ni Hepe at ng dalawang tauhan nito.
Ipinaalam na bukod sa sila ay kinidnap, ginahasa pa si Dolores.
Ngitngit sina Mayor John dahil mga NBI na ang nagsisiyasat sa kaso. Natatakot ang angkan ng Montalvo na baka kung ano pa ang matuklasan ng mga awtoridad ng gobyerno.
“Putang ama, John! Bakit hindi mo nakontrol si Hepe? Posibleng masabit tayong lahat!” gigil na sabi ni Ex-Mayor Grego.
Galit na galit din ang pinuno ng angkan—si Ex-Mayor Macario. “Kung kalian amoy-lupa na ako, saka mabubulgar ang—” “Shut up, Papa!” galit na sabi ni Ex Mayor Eric. “Basta tumahimik ka! Kami ang bahala!”
SINURI ng medico legal si Dolores, napatunayang ni-rape nga ito nina Hepe.
“Ang ipinagtataka ko lang, Miss Dolores, paano mo nagawang patayin sina Hepe sa napakabayolenteng paraan?” tanong ng imbestigador. “Sarge, may kasabihan—ibang magalit ang naaping babae, daig pa ang lagablab ng impiyerno,” matatag na sagot ni Dolores. “Kumplikado ang kaso mo, Miss Dolores.
Naghahabol ang mga kaanak ng tatlong napatay mo. Sobra daw ang ginawa mong ganti…”
“Pinatay ako ng mga halimaw na tulad nina Hepe! Dapat lang silang patayin ko rin!” Natigilan ang imbestigador, nalito. “Pinatay ka ‘ka mo…? Buhay na buhay ka pa, Miss Dolores.” Dahil sa wirdong pahayag na iyon ni Dolores,
nagkaroon ng duda ang mga imbestigador. Paano daw kung nai-set up lang sina Hepe? Paano daw kung may ibang motibo si Dolores? Paano daw kung ‘kusang nagpa-rape’ si Dolores dahil may nakatago itong motibo?
ANG HINDI na napagdudahan ay ang nadiskubre ng mga divers sa pusod ng Lake Camachile.
Nakunan ng underwater video and photos ang mga kabaong na may mga kalansay ng babae.
Na-trace ni Miss Quirina Santos na ang mga kalansay ay ang mga babaing noon pa nawawala; mga kabataang magaganda. (ITUTULOY)
- Latest