ALAM NY’O BA?
Alam n’yo ba noong unang panahon sa Athens, ang Barley ay itinuturing na espesyal na pagkain na ibinibigay sa mga “Gladiators”.
Ang Barley ang pangkaraniwang tawag sa mga cereal grass. Karamihan sa mga ito ay ipinapakain naman sa hayop habang ang espesyal na uri ng barley ay ginagamit naman sa paggawa ng beer o anumang alak, suka at mga pagkaing pang-agahan. Isa ang barley sa mga halaman na inaalagaan at pinadadami 8,000 taon na ang nakalilipas. Ang barley ay unang itinanim at pinalago ng mga Aymara sa mataas na lugar na malapit sa ilog. Ayon sa mga historians, hanggang noong 16th century, isa pa rin ang barley sa pinakaimportanteng butil o halaman sa Kontinente ng Europa.
- Latest