Mga nakakahiyang problema sa ‘penis’
Sa mga babae, ang Chlamydia ay maaaring umakyat sa fallopian tubes (tubo na nagdadala ng eggs mula sa ovaries patungo sa matres) at maaaring makaapekto sa tubes para mabaog ang mga babae.
Kailangan ng treatment para hindi maipasa ang infection sa iba.
Gonorrhea - Ang gonorrhea ay sanhi ng bacteria na Gonococcus. Tulad ng NSU,
nakukuha ito sa pakikipag-sex, at kadalasang nagiging sanhi ng
discharge at masakit na pag-ihi. Ang discharge ay maaaring maging kulay dilaw, berde, puti, malabong o malinaw. Ang sintomas ay maaaaring hindi mapapansin sa una o posibleng
magkaroon ng maraming discharge. Maaaring kumalat ang Gonorrhoea sa testicles na magiging dahilan ng pananakit, pamamaga at pamumula.
Inflammation. - Paminsan-minsan ang urethra ay namamaga kahit walang infection. Halimbawa, natusok ang urethra na naka-damage sa lining, mamamaga ito at posibleng magkaroon ng discharge. Maaari ding mamaga ang urethra sanhi ng antiseptics, mabangong bubble baths o matatapang na sabon
kung sensitibo kayo sa mga ito. Suriin kung ang discharge ay nanggagaling sa urethral opening imbes sa masakit na bahagi sa ilalim ng foreskin.
Ano ang dapat gawin? Anumang discharge mula sa penis ay kailangang masuri ng doctor. Ang chlamydia at gonorrhoea ay madali lang gamutin ng tamang antibiotics,
ngunit maaaring magdulot ng malaking problema sa iyo at sa iyong
partner kung hindi magagamot ng maayos. May ilang klase ng bacteria
na sanhi ng gonorrhoea ay maaaring resistant sa ibang antibiotics kaya
huwag basta-basta uminom ng antibiotic. Magpasuri sa doctor para
mabigyan ng angkop na lunas.
- Latest