‘Harassment’
Ito ay karugtong at huling bahagi ng paksa kung paano mo maililigtas ang iyong sarili mula sa mga taong mapang-abuso at mang-harass ng kanilang kapwa.
Magreklamo sa kinauukulan – Kung sa tingin mo ay hindi na katanggap-tanggap ang ginagawa sa’yo ng isang tao at masyado niya ng pinapasok ang iyong pribadong buhay, bakit hindi ka magsumbong sa iyong boss kung siya ay iyong kasamahan sa trabaho o sa pulis kung siya ay iyong kapit-bahay o malapit na tao sa’yo.
Magkaroon ng lakas ng loob – Halimbawang natiyempuhan ka niyang nag-iisa at ginawa niya ang berbal na pangha-harass, hindi mo ito dapat palampasin at agad na komprontahin, kung malakas ang iyong loob, bakit hindi mo sampalin? Sa ganitong paraan ay tiyak na magigising sa katotohanan ang taong ito na mali ang kanyang ginagawa. Kung pisikal na harassment naman ang ginawa sa’yo, at sa tingin mo ay hindi mo kaya ang taong ito, agad na humingi ng saklolo.
Mag-ingat sa kapwa – Ang pinakamabisang paraan para makaiwas ka sa mga taong mapang-abuso ay ang kilalanin ang mga taong iyong kakaibiganin at makakasama. Maging mapanuri sa kanilang ugali at obserbahan kung ang isang tao ay may kakayahan na mang-harass ng kanyang kapwa.
- Latest
- Trending