^

Para Malibang

GHOST LAKE (25)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Gilda Olividado - Pang-masa

ANG BULU­NGAN nina Paolo at Miss Santos ay nakairita kay Dolores. “Huwag n’yo nga akong pagtsismisan diyan.”

“Kasi’y napakawirdo mo, Dolores. Sino ka ba talaga? Bakit nagawa mong makasisid tayo ng 30 minutes sa ilalim ng dagat?  Bakit alam mong kami lang ni Miss Santos ang mapapatay nina Hepe?” mga tanong ni Paolo.

“Sakaling makaligtas ka, malalaman mo kung sino ako.”

“Dolores, p-pati ba ikaw ay mare-rape ng mga taong bumihag sa’tin?” natatarantang tanong ng magandang reporter.

“Miss Santos, ako ang uunahin nilang pagsamantalahan. Mas seksi ako sa iyo.” Sinundan ito ng misteryosng ngiti ni Dolores.

“Oh my God, baliw ka na ba? You welcome being raped, Dolores?”

Lalong ngumisi si Dolores. “Ang sabi ng isang dating senador, kung walang magagawa ang babae, you enjoy it na lang.”

Pabiglang bumukas ang pinto ng kubo. Pumasok na ang tatlong masasamang-loob, this time wala nang mga maskarang Obama.

Tama si Paolo—sina Hepe nga, mga tauhan ng tiwaling si Mayor John. Ngising hayok ang mga ito.

“Unahin natin ‘tong pinakaseksi,” utos ni Hepe, sinambilat na si Dolores mula sa pagkakagapos.

Inilabas ang misteryosang dalaga.

Nanginig na sa takot si Miss Santos. “Paolo, tama na naman si Dolores. Siya ang uunahin…”

“Papatayin ko sila, Miss Santos! I swear papatayin ko sila!” Nagwawala na sa galit si Paolo. Hindi naman makaalis sa pagka­kagapos.

Sa labas ng kubong nasa gitna ng bukid, ihiniga na sa damuhan si Dolores, hinubaran na.

“Ako muna,” utos ng Hepe, naghubad na ng damit.

Si Dolores ay hindi kumukurap, walang takot.

“Pagkatapos n’yo akong reypin, ako’y babarilin sa ulo at itatapon din sa ilalim ng lawa, ha, Hepe?”

Napaurong ang hepe. “B-bakit alam mo?”

“Alam ko ring kayo nina Mayor John-- at ng mga tatay at lolo niyang nanungkulan noon bilang mayor ng San Isidro—ang nang-rape at nagtapon sa lawa ng napakaraming biktima!”

Namutla ang hepe.  (ITUTULOY)

vuukle comment

ALAM

BAKIT

DOLORES

HEPE

MAYOR JOHN

MISS SANTOS

SAN ISIDRO

SI DOLORES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with