Pamahiin ng mga Japanese

1. Buhusan ng asin ang sarili  bago pumasok sa inyong bahay matapos umatend ng libing o nakipaglamay. Nililinis ng asin ang iyong aura o para humiwalay sa iyo ang anumang elemento na sumama sa iyo.

2. Umiikli ang buhay ng mga taong laging nakaulo sa northern direction tuwing matutulog.

3. Malas isulat ang pangalan gamit ang red ink.

4. Resulta ng pagputol ng kuko sa gabi: Magkakataon na nasa malayo kang lugar kapag pumanaw ang iyong magulang. ‘Yung wala kang pagkakataon na umatend ng kanilang funeral.

5. Good luck ang dala ng spider na makikita mo sa umaga. Kamalasan naman ang bitbit nito kung makikita sa gabi  kaya mainam na patayin.

6. Kapag may nakasabay kang funeral procession habang naglalakad o kaya ay nakasakay sa jeep o nagmamaneho ng sasakyan, malamang na ito ay pangitain na malapit nang mamatay ang isa sa iyong parents. Itago mo ang iyong hinlalaki sa apat mong natitirang daliri sa kamay para hindi magkatotoo. (Itutuloy)

 

Show comments